Monday, 13 August 2012

Ang Ilog at ang Krus sa aking Panaginip

Thirteen years napo itong PANAGINIP kong ito hanggang ngayon hindi nawaglit sa isipan ko! 

JULY 1999 Hindi pa ako nakakarating dito sa Alkhobar KSA. active na active sa Gawain ng El Shaddai Minsan sa tanghaling tapat nag usap usap kami ng 2 tiyahin ko at kapatid kong babae nakikinig lang ako sa kanilang usap usapan tunkol sa Gawain ng El Shaddai at nakikinig din kami sa oras na yon sa Himpilang Pinagpala!
Noong time na yon Nakatulog ako at nanaginip ako nang ganito.

Pumunta ako sa ilog at meron akong nakikitang polutong na nag poprosesyon sa ilog na yon mga matatanda meron silang dala dalahan na mga ilawan mga imahe at iba pa. Malayo layo na sila sa distancia ko meron akong nakikitang mga nakalutang sa ilog. Bumaba ako sa ilog malakas ang agos nang ilog pero mababaw lang.

Meron akong napansin na nakalutang nglakad ako ng kaunti pasulong nakita ko ang nakalutang na KRUS at andon ang Panginoong JESUS na nakapako. Dinampot ko ito at ang sabi ko bakit kaya iniwan ang Panginoon o tinapon o iniwan ito? Tiningnan ko ang mga matatanda nakita kopa sila ang tubig ay nasa baywang pa at sa isip ko gusto ko silang habulin o sundan. Sinundan ko nga sila at dala ko ang KRUS ng PANGINOON

Naramdaman ko ang tubig na palalim ng palalim mula alulod, tuhod, baywang, hanggang sa leeg. nakita ko ang mga matatanda na tuloy tuloy lang ang lakad nila hanggang hindi kona sila nakita! Noong  nakita kopa sila ang tubig na nasa leeg pa at tuloy parin ang lakad nila. Umatras o napahinto ako dahil sa pag alala at iniisip ko na hindi ako marunong lumangoy. huminto ako saglit. 

Huminga ako ng malalim at ang sabi ko "KUNG KAYA NILA, KAYA KO RIN" kaya ngpatuloy akong lumakad at itinaas ko aking kamay at ngpupuri ako sa PANGINOONG DIOS naramdaman kong palalim ng palalim at palawak ang tubig hanggang namalayan ko nalang hindi na pala nakasayad sa lupa ang aking mga paa at nakahinga ako sa tubig! Sabi ko sarili ko ganito kaya ang nangyayari noong naglalakad sa tubig Panginoon? Patuloy pa rin akong naglakad hanggang naapakan kona ang lupa at pababaw ng pababaw ang tubig. at nakikita ko ang magkabilang pampang tapos may nakita akong parang daanan paakyat.

Umakyat nga ako doon sa isip ko dito na siguro sila ngtapos sa kanilang ginagawa kaya nglakad nalang ako at sinundan ang yapak tapos meron akong nakita na kubo. pumunta ako at nakita ko na doon nila iniwan ang mga dala-dalahan kaya iniwan ko na din ang PANGINOONG JESUKRISTO nasa Krus doon sa kubo. At umalis na ako mga ilang hakbang lang napag isip-isip ko bakit ko iniwan? Bumalik ako doon sa kubo kinuha ko ulit ang KRUS..... At Nagising ako!


Meron akong nakita sa libro ni Propeta
EZEKIEL 47:3-8  ito ang mensahi

 3 Nagtuloy kami sa gawing silangan; may hawak siyang panukat. Sumukat siya ng 500 metro. Pagkatapos, lumusong kami sa tubig na hanggang bukung-bukong. 4 Sumu- kat muli siya ng 500 metro at umabot ito hanggang tuhod. Sumukat siyang muli ng 500 metro at nang lumusong kami sa tubig, ito'y hanggang baywang. 5 Sumukat uli siya ng 500 metro ngunit iyon ay isa nang ilog at hindi na ako makalusong. Malalim ang tubig at kailangang languyin upang matawid. 6 Sinabi niya sa akin, "Ezekiel, anak ng tao, tandaan mo ang lugar na ito."
               Naglakad kami sa pampang ng nasabing ilog. 7 Nang ako'y pabalik na, nakita ko ang makapal na puno sa magkabilang pampang ng ilog.

Ezekiel 47:3-7
3As the man went eastward with a measuring line in his hand, he measured off a thousand cubitsa and then led me through water that was ankle-deep.
 4He measured off another thousand cubits and led me through water that was knee-deep. He measured off another thousand and led me through water that was up to the waist.  
5He measured off another thousand, but now it was a river that I could not cross, because the water had risen and was deep enough to swim in—a river that no one could cross.
 6He asked me, “Son of man, do you see this?”
Then he led me back to the bank of the river.  
7When I arrived there, I saw a great number of trees on each side of the river


No comments:

Post a Comment