Ang Tanda ng Krus
Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak,
at ng Espiritu Santo,
Amen.
at ng Espiritu Santo,
Amen.
Ama Namin
Ama namin, sumasalangit ka,
sambahin ang ngalan mo,
mapasaamin ang kahariaan mo;
sundin ang loob mo
dito sa lupa para ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala
para ng pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot
sa tukso at iadya mo kami
sa lahat ng masasama.
Amen.
sambahin ang ngalan mo,
mapasaamin ang kahariaan mo;
sundin ang loob mo
dito sa lupa para ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
at patawarin mo kami
sa aming mga sala
para ng pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
at huwag mo kaming ipahintulot
sa tukso at iadya mo kami
sa lahat ng masasama.
Amen.
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong Maria
napupuno ka ng Grasya.
Ang Panginoong Diyos ay sumasainyo,
bukod kang pinagpala
sa babaeng lahat,
at pinagpala naman
ang iyong anak na si Jesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
ipanalangin mo kaming makasalanan
ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.
napupuno ka ng Grasya.
Ang Panginoong Diyos ay sumasainyo,
bukod kang pinagpala
sa babaeng lahat,
at pinagpala naman
ang iyong anak na si Jesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
ipanalangin mo kaming makasalanan
ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.
Luwalhati
Luwalhati sa Ama, at sa Anak,
at sa Espiritu Santo.
Kapara ng unang-una,
ngayon at magpasawalang-hanggan.
Amen.
at sa Espiritu Santo.
Kapara ng unang-una,
ngayon at magpasawalang-hanggan.
Amen.
Sumasampalataya
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa
lahat,
na may likha ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay JesuKristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa Krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao;
nang ikatlong araw nabuhay na magmuli.
Umakyat sa langit,
naluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat;
at doon magmumulang paririto't maghuhukom
sa nangabubuhay at nangamamatay na tao.
Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo,
sa Banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga Banal;
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na magmuli ng nangamatay na tao,
at sa buhay na walang hanggan.

Angelus
V: Binati ng Anghel ng Panginoon si Maria.
R: At siya'y naglihi, lalang ng Espiritu Santo.
Aba Ginoong Maria...
V: Narito ang alipin ng Panginoon.
R: Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo.
Aba Ginoong Maria...
V: At ang Verbo ay nagkatawang-tao.
R: At nakipamayan sa atin.
Aba Ginoong Maria...
V: Ipanalangin mo kami,
Santang Ina ng Diyos.
R: Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristo
.
MANALANGIN TAYO:
Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa ng iyong mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng anghel ay nakilala namin ang pagkakatawang tao ni Kristong Anak mo, pakundangan sa mahal na pasyon at pagkamatay niya sa Krus, pakinabangan namin ang biyaya ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian ng Langit. Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon namin.
Amen

No comments:
Post a Comment