Sunday, 12 August 2012

Ang Daan ng Krus


I - Ang Huling Hapunan -  

(Lucas 22:17-20)
               17 Dumampot siya ng isang kopa, at matapos magpasalamat sa Diyos ay ibinigay iyon sa kanila, at nagsabi, "Kunin ninyo ito at paghati-hatian. 18 Sinasabi ko sa inyo, mula ngayo'y hindi na ako iinom nitong katas ng ubas hangga't hindi dumarating ang kaharian ng Diyos."
               19 Dumampot din siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa kanila. Sabi niya, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin." 20 Gayundin naman, dinampot niya ang kopa pagkatapos maghapunan at sinabi, "Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Ang aking dugo ay mabubuhos alang-alang sa inyo.


II - Ang Paghihirap sa Halamanan - 

(Lucas 22:39-44)
               39 Gaya ng kanyang kinagawian, umalis si Jesus at nagpunta sa Bundok ng mga Olibo kasama ang mga alagad. 40 Pagdating doo'y sinabi niya sa kanila, "Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso."
               41 Lumayo siya sa kanila, mga isang pukol ng bato ang layo, at doo'y lumuhod at nanalangin. 42 Sabi niya, "Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo." [ 43 Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas ang loob niya. 44 Dala ng matinding hinagpis, siya'y nanalangin nang lalong taimtim, at pumatak sa lupa ang kanyang pawis na parang malalaking patak ng dugo.]



III - Si Jesus sa Harap ng Sanedrin - 

(Mateo 26:59-66)
               59 Samantala, ang mga punong pari at ang buong Sanedrin ay naghahanap ng sasaksi laban kay Jesus upang ito'y maipapatay. 60 Kahit na maraming humarap at sumaksi ng kasinungalingan tungkol sa kanya, wala silang matagpuang makakapagpatotoong si Jesus ay dapat mamatay. Sa wakas, may dalawang humarap 61 at nagsabi, "Sinabi ng taong ito na kaya daw niyang gibain ang Templo ng Diyos at muli itong itayo sa loob ng tatlong araw."
               62 Tumayo ang pinakapunong pari at sinabi kay Jesus, "Wala ka bang isasagot sa paratang na ito laban sa iyo?" 63 Ngunit hindi umimik si Jesus. Kaya't sinabi sa kanya ng pinakapunong pari, "Iniuutos ko sa iyo sa ngalan ng Diyos na buhay, sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng Diyos."
               64 Sumagot si Jesus, "Kayo na ang nagsabi. At sinasabi ko pa sa inyo, di na magtatagal at makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos at dumarating na nasa alapaap!"
               65 Pagkarinig nito, pinunit ng pinakapunong pari ang kanyang damit at sinabi, "Nilapastangan niya ang Diyos! Hindi na natin kailangan ng mga saksi. Narinig ninyo ngayon ang kanyang paglapastangan sa Diyos! 66 Ano ang pasya ninyo?" Sumagot sila, "Dapat siyang mamatay!"

IV - Si Jesus sa Harap ni Pilato -

 (Juan 18:33-40)
               33 Si Pilato ay pumasok uli sa palasyo at ipinatawag si Jesus. Ikaw ba ang Hari ng mga Judio? tanong niya.
               34 Sumagot si Jesus, Iyan ba'y sarili mong palagay, o may ibang nagsabi sa iyo?
               35 Tugon ni Pilato, Hindi ako Judio. Ang mga kababayan mo at ang mga punong pari ang nagdala sa iyo rito. Ano ba ang ginawa mo?
               36 Sumagot si Jesus, Ang kaharian ko'y hindi sa daigdig na ito. Kung sa daigdig na ito ang aking kaharian, ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan at hindi naipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi sa daigdig na ito ang aking kaharian!
               37 Kung ganoon, isa ka ngang hari? sabi ni Pilato.
               Sumagot si Jesus, Ikaw na ang nagsasabing ako'y hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa daigdig, upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan.
               38 Ano ba ang katotohanan? tanong ni Pilato.
               Pagkasabi nito, muling lumabas si Pilato at sinabi sa mga Judio, Wala akong makitang kasalanan sa taong ito. 39 Ngunit ayon sa inyong kaugalian, dapat akong magpalaya ng isang bilanggo sa Pista ng Paskwa. Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga Judio?
               40 Hindi! sigaw nila. Hindi siya, kundi si Barabbas! Si Barabbas ay isang tulisan.

V - Ang Paghagupit kay Jesus - 

(Juan 19:1-3)
               1 Kaya't ipinakuha ni Pilato si Jesus at ipinahagupit. 2 Ang mga kawal ay kumuha ng sangang matinik, ginawa itong korona at ipinutong kay Jesus. Siya rin ay sinuotan nila ng balabal na kulay ube at 3 bawat isa'y lumalapit sa kanya at patuyang bumabati, Mabuhay ang Hari ng mga Judio! At kanilang pinagsasampal si Jesus.














VI - Pinasan ni Jesus ang Krus - 

(Juan 19:16-17)
               16 Kaya't ibinigay sa kanila ni Pilato si Jesus upang siya'y maipako sa krus.
               Kinuha nga nila si Jesus. 17 Inilabas siyang pasan ang kanyang krus papunta sa lugar na kung tawagi'y Lugar ng Bungo, Golgotha sa wikang Hebreo.








VII - Pinasan ni Simon na taga-Cirene ang krus -

 (Lucas 23:26)
               26 Si Jesus ay dinala ng mga kawal. Nasalubong nila sa daan si Simon na taga-Cirene na noon ay galing sa bukid. Pinigil nila ito at ipinapasan dito ang krus habang pinapasunod si Jesus.


















VIII - Nasalubong ni Jesus ang mga Babae ng Jerusalem -

 (Lucas 23:27-28)
               27 Sinusundan si Jesus ng maraming tao, kabilang ang ilang babaing nag-iiyakan at tumatangis dahil sa kanya. 28 Nilingon sila ni Jesus at sinabi, "Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang inyong mga anak.

IX - Pinaghati-hatian ang Kasuotan ni Jesus -  

(Juan 19:23-24)

               23 Nang si Jesus ay maipako na ng mga kawal, kinuha nila ang kanyang panlabas na kasuotan at pinaghati-hati sa apat. Kinuha rin nila ang kanyang mahabang panloob na kasuotan; ito'y walang tahi at hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba. 24 Kaya't nag-usap-usap ang mga kawal, Huwag nating punitin ito; daanin na lamang natin sa palabunutan para malaman kung kanino ito mapupunta. Sa gayon, natupad ang isinasaad ng Kasulatan,

Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan;

at nagpalabunutan sila kung kanino mapupunta ang aking damit.

               Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal.


X - Si Jesus sa Krus - 

(Lucas 23:39-43)
               39 Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, "Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami."
               40 Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, "Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! 4142 At sinabi pa nito, "Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na." Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama."
               43 Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso."






XI - Si Maria sa Paanan ng Krus -

 (Juan 19:25-27)
               25 Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. 26 Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, Ina, ituring mo siyang sariling anak!
               27 At sinabi niya sa alagad, Ituring mo siyang iyong ina! Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.

XII - Ang Pagkamatay ni Jesus -

 (Juan 19:28-30)
               28 Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya't upang matupad ang kasulatan ay sinabi niya, Nauuhaw ako!
               29 May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Inilubog nila rito ang isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng hisopo at idiniit sa kanyang bibig. 30 Nang masipsip na ni Jesus ang alak, sinabi niya, Naganap na! Iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.










XIII - Ang Paglilibing kay Jesus - 

(Mateo 27:57-61)
               57 Pagsapit ng dilim, dumating si Jose, ang isang mayamang taga-Arimatea na tagasunod din ni Jesus. 58 Hiningi niya kay Pilato ang bangkay ni Jesus, kaya't iniutos ni Pilato na ibigay ito kay Jose. 59 Nang makuha na ang bangkay, binalutan niya ito ng malinis na tela ng lino. 6061 Kasama sa paglilibing sina Maria Magdalena at ang isa pang Maria; nakaupo sila sa tapat ng libingan. Inilagay niya ito sa kanyang bagong libingan na ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan ang isang malaking batong panakip, at saka umalis.








XIV - Ang Pagkabuhay ni Jesus - 

(Mateo 28:1-8)
               1 Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, sa pagbubukang-liwayway nang unang araw ng sanlinggo, lumakad si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan ni Jesus. 23 Ang kanyang mukha ay nakakasilaw na parang kidlat at puting-puti ang kanyang damit. 456 Wala na siya rito sapagkat siya'y muling nabuhay gaya ng kanyang sinabi. Halikayo't tingnan ninyo ang pinaglibingan sa kanya. 7 Magmadali kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siya'y muling nabuhay! At papunta na siya sa Galilea. Makikita ninyo siya roon! Iyan ang balitang hatid ko sa inyo." Biglang lumindol nang malakas. Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon. Nanginig sa takot ang mga bantay nang makita ang anghel, at sila'y nabuwal na parang mga patay. Ngunit sinabi ng anghel sa mga babae, "Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus.
               8 At dali-dali nga silang umalis sa libingan na may magkahalong takot at galak, at patakbong pumunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.

 

No comments:

Post a Comment