Tuesday, 5 March 2013

Experiencing GOD In Your Quiet Time

EXPERIENCING GOD IN YOUR QUIET TIME

“Satisfy us in the morning with your steadfast love, that we may rejoice and be
glad all our days.” (Psalm 90:14)

Nais ipakilala ng Diyos ang kanyang sarili sa atin sa araw-araw, hindi lamang tuwing
Linggo. Nais niyang maranasan natin ang kanyang pag-ibig, panghawakan ang kanyang
mga pangako, sundin ang kanyang mga utos, at mapasaatin ang kagalakang nagmumula
sa kanya sa araw-araw. Mangyayari ito kung maglalaan tayo ng regular na oras araw-
araw upang magbasa ng Salita ng Diyos (2 Tim. 3:16-17), magbulay-bulay
(reflection/meditation), at manalangin. 

Pinakamainam ang unang oras sa umaga, ayon sa halimbawa ni Cristo (Mark 1:35).
Maghanap ng lugar na tahimik, walang istorbo, komportable (huwag sa kama!) at kung
saan makakapag-isip ka nang maayos. Magsimula sa 15 minuto araw-araw (Prayer and
Bible Reading). Kung nagiging regular na ay gawin mo nang 30 minuto araw-araw (with
extended Reflection and Journaling). Maaari mo pa itong habaan para makapaglaan ng
oras sa pag-awit sa Diyos, pananalangin, at Bible memorization. Tandaan na ang oras na
ito ay ang iyong “appointment” o “date” kasama ang Diyos. Gawin mo itong priority.
Paano mararanasan ang presensiya ng Diyos sa iyong Quiet Time? Ang mga sumusunod
ay isang mungkahi na puwede mong gawin, ngunit maaari mong baguhin depende sa
iyong oras at sitwasyon.

FOCUS ON GOD
Ituon ang isip sa Diyos. Alisin sa isip ang anumang maaaring makagulo sa iyong oras sa
Panginoon. Maghintay muna ng ilang minuto, at huwag magmadali. Pakinggan ang
paanyaya ng Diyos: “Be still and know that I am God” (Psalm 46:10).

DEPEND ON THE HOLY SPIRIT
Hindi natin mauunawaan ang Salita ng Diyos sa sariling kakayahan natin. Kaya
kailangang manangan sa tulong ng Espiritu Santo. Bago magbasa ng Bibliya, hilingin sa
Diyos, “Open my eyes that I may behold wondrous things out of your law” (Psalm
119:18).

READ AND REFLECT
Gamit ang Bible Reading Plan, basahin ang mga talatang nakatakdang basahin sa araw
na iyon. Magbasa nang dahan-dahan, maging bukas ang isip sa pagbabasa, at makinig sa
sinasabi ng Diyos tungkol sa kanyang sarili, sa Panginoong Jesu-Cristo, sa tao, sa relasyon
natin sa kanya, sa ibang tao, at sa ating Kaaway. Tingnan ang pagkilos ng Diyos sa mga
talatang binabasa.

WRITE IN YOUR JOURNAL (W.R.A.P.)
Makakatulong ang “journal” upang mas mapag-isipan pa ang mga salitang sinasabi ng
Diyos. Makakatulong din ito upang sa mga susunod na araw ay mabalikan ang mga
pangungusap ng Diyos.

WORD.
Sa mga nabasang kabanata sa Bibliya, isulat ang isa o dalawang talata na
nangibabaw sa iyong pagbabasa. Halimbawa ay binasa ko ang
Psalm 139 at nangibabaw ang verses 23-24.
Psalm 139:23-24, “Search me, O God, and know my heart!
Try me and know my thoughts! And see if there be any
grievous way in me, and lead me in the way everlasting.”   
                                                                     
REFLECTION.
Basahin nang paulit-ulit ang talatang ito na may diin sa iba’t ibang salita sa
bawat ulit. Ikonekta ito sa mga nauna at mga sumusunod na talata. Isulat ang mga
nakita mong sinasabi nito tungkol sa Diyos, sa kanyang mga plano, mga layunin, at mga
gawa sa buhay ng mga tao.

Pagkatapos na ipahayag ni David sa awit na ito na napakalalim ng kaalaman
ng Diyos at siya’y kilalang-kilala ng Diyos, ito ang kanyang panghuling
panalangin. Nais niyang patuloy siyang siyasatin ng Diyos upang malaman ni
David kung anuman ang mga nasa isipan, puso, at gawa niya ang hindi
nakalulugod sa Diyos. Ito ay kahilingang ituwid siya ng Diyos at samahan sa
araw-araw. Dapat din  nating ipasuri sa Diyos ang ating mga puso, maging
bukas sa mga sinasabi niya sa kanyang Salita, at magpatuwid sa kanya.
            

APPLICATION.
 Ipanalangin, “Search me O God, and know my heart…” (Psalm 139:23-24).
Ayon sa naunang Reflection, ano ngayon ang sinasabi ng Diyos na gawin mo bilang
tugon dito? May halimbawa bang dapat tularan? May kasalanan bang dapat iwasan?
May pangako bang dapat panghawakan? May utos ba na dapat sundin? May talata bang
dapat isaulo? May panalangin bang dapat gamitin? Maging specific.
Ang panalanging ito ni David ang ipapanalangin ko pagkatapos kong
magbasa ng Bibliya sa aking Quiet Time, at pagkatapos din ng sermon kapag
Linggo. Hihilingin ko sa Diyos sa mga oras na ito na ako’y suriin at ituwid.      


PRAYER.
 Isulat ang Application sa anyo ng isang panalangin sa Diyos, na nagpapakita ng
pagtitiwala at pagtatalaga ng sarili sa kanya.
O aming Amang nasa langit, gawin mo pong bukas palagi ang aking puso sa
iyong pagsisiyasat. Huwag nawa akong maging matigas sa iyong pagtutuwid.
Ipagkaloob  ninyo sa akin ang isang pusong mababa at nagpapasakop sa inyo.

TALK TO GOD
Pagkatapos marinig ang sinasabi ng Diyos, ito ang panahon upang ikaw ay makipag-usap
sa kanya. Magpasalamat sa kanyang Salita, hilingin ang kanyang paggabay sa
pagsasabuhay ng kanyang Salita, humingi ng tawad sa mga gawa at isip na ‘di naaayon
sa kanyang Salita, at ipanalangin ang iba. Maaaring sundin ang Lord’s Prayer (Matthew
6:9-13).

No comments:

Post a Comment