Friday, 22 March 2013

FROM CURSE TO BLESSING

Celebrating the Cross of Christ (An Exposition of Galatians)
By Derick Parfan | January 24, 2010

GALATIANS 3:10-14 (ESV)

For all who rely on works of the law are under a curse; for it is written,“Cursed
be everyone who does not abide by all things written in the Book of the Law, and
do them.” Now it is evident that no one is justified before God by the law, for
“The righteous shall live by faith.” But the law is not of faith, rather “The one
who does them shall live by them.” Christ redeemed us from the curse of the law
by becoming a curse for us—for it is written, “Cursed is everyone who is hanged
on a tree”— so that in Christ Jesus the blessing of Abraham might come to the
Gentiles, so that we might receive the promised Spirit through faith.


RELYING ON THE UNRELIABLE

Isang malaking pagkakamali kung ang isang bagay na napatunayan na nating hindi
mapagkakatiwalaan ay pagkakatiwalaan pa natin. Relying on what is proven to be unreliable is
not just a huge mistake, it is “foolishness.” Halimbawa na lang ay ang credit card. Mainam ang
credit card kung marunong kang gumamit. Ngunit minsan akala mo ay malaking tulong, ngunit
yun pala ay siyang makapagpapahamak sa iyo. Maaari kang mabaon sa utang. Mainam ang
credit card lalo na kung bibili ka ng plane ticket online. Malaking convenience. Ngunit minsan
ay akala kong hindi naprocess yung transaction pagkatapos nang dumating ang bill ay siningil
din pala ako. Matagal ko bago naayos sa airline at sa credit card. Simula noon ay hindi ko na
ginamit yung card na yun. I think it is wise not to rely on that anymore because it will just give
me more problems. Kalokohan naman na pagkatapos kang matambakan ng utang at interes sa
credit card ay palagi mo pang gagamitin.

Ngunit iyan ang madalas na pagkakamali ng mga tao. Alam na nilang hindi makakabuti sa kanila
at ikapapahamak nila, ginagawa pa. Alam na nating ang sarili nating gawa, gaano man kabuti sa
harapan ng tao, ay hindi maaaring mapagkatiwalaan upang maging katanggap-tanggap tayo sa
Diyos. Ngunit gaano karaming tao ang nananangan sa kanilang pagiging relihiyoso upang
matanggap ng Diyos? Ilan sa ating mga Cristiano, na bagamat nagtitiwala kay Cristo para sa
ating kaligtasan, ang sa araw-araw ay sa sarili nagtitiwala upang magpatuloy sa buhay Cristiano
sa halip na sa biyaya at kapangyarihan ng Diyos?

It is part of our sinful human nature to rely on the unreliable and fail to rely on the reliable. 
Kung sinong hindi mapagkakatiwalaan, doon tayo nagtitiwala. Kung sino ang tunay na
mapagkakatiwalaan, siya pa ang hindi natin pinagkakatiwalaan. Ganito ang problemang nais
bigyang solusyon ni Pablo sa Galacia. Maliwanag naman sa kanila na “ang tao ay hindi inaaring-
ganap (“justified”) sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, kundi sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Jesu-Cristo” (2:16). 

Ngunit pinakikinggan pa rin nila ang mga Judiong nagpapanggap na Cristiano at sinasabing sila ay dapat magpatuli at sumunod sa kautusan upang maging ganap ang kanilang pagiging Cristiano. Tama ngang sumampalataya kay Cristo, ngunit ayon sa kanila ay hindi sapat iyon. Dapat nila itong lubusin sa pamamagitan ng kanilang sariling gawa. Alam ng mga taga-Galacia ang katotohanan tungkol sa pagtubos na ginawa ni Cristo sa krus ngunit mas pinakinggan nila ang mga taong hindi dapat pakinggan. 

Kaya hindi mapigilang sabihin ni Pablo, “O foolish Galatians! Who has bewitched you” (3:1)? “Did you receive the Spirit by works of the law or by hearing with faith” (3:2)? Dalawa lang ang pamimilian at isa

lang ang tamang sagot. Hindi maaaring pareho. Sa verses 6-9 ay pinatunayan ni Pablo na ang pagtanggap sa pagpapala ng Diyos ay hindi sa pamamagitan ng pagtutuli o pagsunod sa kautusan o anumang seremonyang panrelihiyon. 

Ito ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at ginawa niyang basehan si Abraham. Siya ay ibinilang ng Diyos na matuwid at naligtas 14 taon bago ang pagtutuli na siya lamang marka o ebidensiya ng kanyang pagtitiwala sa pangako ng Diyos. “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at ito'y ibinilang sa kanya na katuwiran” (v. 6). “Sumampalataya sa Diyos si Abraham kaya’t siya’y pinagpala, at pagpapalain ding tulad niya ang lahat ng nananalig sa Diyos” (v. 9,
MBB). 

Dito naman sa verses 10-14 ay patutunayan ni Pablo na kung ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa pangako ng Diyos na nakay Cristo, nangangahulugang ito’y hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan. Ngunit tatanungin natin, “Bakit hindi puwedeng maligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nakasulat sa Kautusan?” Ang sagot ay nakasaad din sa Lumang Tipan na ginamit ni Pablo na patunay na walang sinumang maaaring maging matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan o pagtitiwala sa sariling mga gawa.

For all who rely on works of the law are under a curse; for it is written (in Deut.
27:26),“Cursed be everyone who does not abide by all things written in the Book of the
Law, and do them.” Now it is evident that no one is justified before God by the law, for
(quoting Hab. 2:4) “The righteous shall live by faith.” But the law is not of faith, rather
(quoting Lev. 18:5) “The one who does them shall live by them.” (3:10-12)


WE ARE UNDER A CURSE (3:10-12).

Sa verse 11 ay inulit na naman niya ang nais niyang patunayan, “Now it is evident that no one is justified before God by the law.” Bakit niya nasabing malinaw ito at hindi maaaring itanggi ninuman kung ang pagbabasehan ay ang sinasabi mismo ng Kautusan? Ang sagot ay nasa verse 10, “For all who rely on works of the law are under a curse.” Paul was saying that all who rely on good works as the basis for their acceptance with God are under God’s curse. Lahat ng nagtitiwala sa kanilang sariling gawa upang maging katanggap-tanggap sa Diyos ay nasa ilalim ng sumpa ng Diyos.

Mahalaga ito sa atin kasi ang pinag-uusapan natin dito ay hindi lang iyong mga tahasang sumusuway sa utos ng Diyos. Ito ay ang mga taong nag-aakalang sa kanilang pagsunod ay magiging katanggap-tanggap na sila sa Diyos. Ito ay ang mga taong nananangan sa kanilang sariling kakayahan upang mapalapit sa Diyos. Maaaring kasama ang ilan sa atin dito. At aaminin nating lahat tayo ay likas na gumagawa ng paraan ayon sa kakayahan natin upang magtamo ng kagandahang-loob ng Diyos. 

Ang pinag-uusapan dito ay hindi iyong mga nasa labas ng church at mga kriminal o mga pagano, kundi ang mga taong nagsisimba, naniniwala sa Diyos, mga relihiyoso, mababait sa kanilang kapwa ngunit nasa ilalim pa rin ng sumpa ng Diyos. Bakit ganoon? Makikita natin ito sa tatlong katanungang sasagutin natin. Ano ang ibig sabihin ng “nasa ilalim ng sumpa”? Ang salitang “sumpa” (“curse,” katara) ay anim na beses lang ginamit sa Bagong Tipan, at ang tatlong beses ay dito sa text natin sa Galatians. 

Ang salitang “sumpain” o “isinumpa” (“cursed,” epikataratos) ay dalawang beses lamang binanggit at dito pa sa v. 10 at v. 13 na parehong hango sa Lumang Tipan. Ang “sumpa” ay kabaligtaran ng “pagpapala” o “blessing.” Ang sumpa ay isang negatibong pananalita na ang layunin ay magdulot ng sakit o hirap sa isang taong susumpain, na ginagawa sa pangalan ng isang “diyos” (TDNT Abridged, 75) Halimbawa ay kapag nagsasabi tayo ng “Madapa ka sana” o kaya’y “Mamatay ka na sana.” Ngunit epektibo lamang ang sumpa kung ito ay galing mismo sa Diyos.


Sa Lumang Tipan ay makikita natin na ito ay likas na dulot ng pagsuway sa kalooban ng Diyos. Ang “sumpa” ay puro kasamaan ang dulot sa taong nasa ilalim ng sumpa. Matapos na magkasala sina Adan at Eba ay binigkas ng Diyos ang isang sumpa (Gen. 3:14-19). Sa gayon, ang sumpa ay kabaligtaran ng pagpapala. Ito ang hatol ng Diyos na parusahan ang mga taong sumuway sa kanyang kalooban. Hangga’t ang tao ay nasa ilalim ng sumpa, hindi niya mararanasan ang kabutihan ng Diyos, kundi ang galit ng Diyos. 

Kung sa tingin ninyo ay nararanasan ng tao ang pagpapala dahil siya ay mayaman o maganda ang katayuan sa buhay, pakinggan ninyo ang sinasabi ni Jesus, “Ano ang mapapakinabang ng tao na makamtan ang buong sanlibutan, at mapahamak ang kanyang buhay?” (Mark 8:36). Iyan ang ibig sabihin ng nasa ilalim ng sumpa ng Diyos, nasa ilalim ng hatol at parusa at galit ng Diyos. Bakit “nasa ilalim ng sumpa” ang mga “umaasa sa gawa ng kautusan”? Ginawa niyang basehan ang sinasabi mismo ng Kautusan sa Deut. 27:26, “For it is written,’Cursed be everyone who does not abide by all things written in the Book of the Law, and do them’” (v. 10). 

Kung titingnan natin ang talatang ito sa Deuteronomy, ang verse 26 ay ang panghuli sa listahan ng mga
“sumpa” na binanggit ni Moses sa mga Levita upang ituro sa Israel na nagsimula sa verse 15. Sa verse 1 sabi ni Moses, “Sundin ninyong lahat ang kautusang ibinibigay ko sa inyo ngayon” (MBB). Ang nais ng Diyos ay sundin lahat! Hindi mamimili lang. Sabi sa James 2:10, “Ang lumalabag sa isa, kahit tumupad sa iba pang mga utos ay lumalabag pa rin sa buong Kautusan.” Ano’ng sabi ni Cristo? “Be perfect as your heavenly Father is perfect” (Matt. 5:48). 

The problem is not with the Law, the problem is with us who failed to obey the Law perfectly. And when we obey what is written, we rely on ourselves to do it. That is why we are under a curse. Lahat halos tayo ay simula pagkabata ay inaakala na makukuha natin ang pabor ng Diyos kung tayo ay magiging mabait at masunurin. Ngunit ang totoo, sa anumang pagsisikap nating makaabot sa Diyos, alam nating lahat na bagsak tayo. Hindi puwedeng ikumpara natin ang ating sarili sa iba na mas mabuti tayo. God’s passing grade is 100%. 

Kung nakakuha ka ba ng 20% sa exam at 5% lang ang kaklase mo, matutuwa ka ba dahil mas mataas ang nakuha mo sa kanya? Pareho kayong bagsak! Mas mabuti man tayo kung ihahambing sa mga Ampatuan, ngunit kung ihahambing sa requirement ng Diyos, lahat tayo ay bagsak. Lahat tayo ay nasa ilalim ng sumpa
dahil wala ni isa man sa atin ang pumasa sa katuwiran ng Diyos (Rom. 3:23). Ang pag-asa lamang ng tao ay kung tayo ay magtitiwala kay Cristo at hindi sa sarili nating kakayahan dahil alam nating wala tayong magagawa sa sarili natin. Paul quotes Habakkuk 2:4 (which he also did in Roman 1:17) in verse 11, “The righteous shall live by faith.” 

Ang tunay na matuwid ay mabubuhay lamang sa pamamagitan ng pananampalataya, pagtitiwala kay Cristo at
hindi sa sariling pagsunod sa Kautusan. Sasabihin naman ng mga Judaizers sa mga taga-Galacia, Oo nga’t kailangang sumampalataya kay Cristo ngunit dapat mo ring sundin ang Kautusan upang maging katanggap-tanggap sa Diyos.” Faith plus works ang itinuturo nila. Ngunit sinasabi ni Pablo na hindi maaaring pagsamahin ang dalawa. Ang “gawa” ay may lugar sa buhay natin, ngunit hindi para sa kaligtasan. Ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pagtitiwala sa ginawa na ni Cristo hindi sa ginagawa natin o gagawin pa natin. 

Bakit hindi maaaring sabay na magtiwala kay Cristo at magtiwala sa sariling gawa upang maligtas? Likas sa atin na nais nating may “contribution” tayo sa kaligtasang tatanggapin natin. Ngunit sabi ni Pablo, “But the law is not of faith, rather ‘The one who does them shall live by them’” (v. 12). Paul quoted Leviticus 18:5 here. Binanggit din niya ito sa Romans 10:3-5 tungkol sa mga Judiong patuloy na nananangan sa sarili nilang katuwiran: For, being ignorant of the righteousness of God, and seeking to establish their own, they

did not submit to God's righteousness. 

For Christ is the end of the law for righteousness to everyone who believes. For Moses writes about the righteousness that is based on the law, that the person who does the commandments shall live by them.
Ang pagtitiwala sa Kautusan para sa kaligtasan at pagtitiwala kay Cristo ay parang tubig at langis na hindi maaaring paghaluin. Kung gusto mong mabuhay sa pamamagitan ng pagsunod, sige ganyan ang gawin mo ngunit tiyakin mong susundin mo lahat ng utos ng Diyos! At kung hindi, tiyak na mabigat na parusa ng Diyos ang tatanggapin mo. Ayon sa paliwanag ni Timothy George (Galatians, p. 235):

In connection with v. 10 this statement can be understood as a hypothetical contrary-to- fact condition: if someone really were to fulfill the entire corpus of Pentateuchal law, with its 242 positive commands and 365 prohibitions (according to one rabbinic reckoning), then indeed such a person could stand before God at the bar of judgment and demand admittance to heaven on the basis of his or her performance. Yet where on earth can such a flawless person be found? (italics mine) Boice (Galatians) concludes with this verse, “It is true as a principle, as v. 12 says, that ‘the man who does these things will live by them.’ 

But no one does them perfectly. And so the law cannot bring life. Its purpose is to condemn and by condemning to point man in his desperation to the Savior” (italics mine). That’s it! Alam nating wala tayong magagawa. Nasa ilalim tayo ng sumpa ng Diyos. Kung dahil sa pagtitiwala natin sa Kautusan sa sariling nating gawa ay napahamak tayo, makakawala ba tayo sa pamamagitan din ng pagtitiwala sa sarili natin? Kung dahil sa pagtitiwala natin sa credit card kaya tayo nabaon sa utang, kukuha ba tayo ng panibagong credit card para makabayad sa utang na iyon? So, how can we then get “out” of the curse of God?

Here’s the answer:
Christ redeemed us from the curse of the law by becoming a curse for us—for it is written (in Deut. 21:23), “Cursed is everyone who is hanged on a tree”— so that in Christ Jesus the blessing of Abraham might come to the Gentiles, so that we might receive the promised Spirit through faith. (3:13-14)

CHRIST REDEEMED US FROM THE CURSE (3:13-14).

Yes, it is true that we are under God’s curse because we rely on ourselves to be right with God. Verses 13-14 point out that Christ redeemed those who rely in him, and not in themselves, from God’s curse toward God’s blessing. Tinubos ni Cristo lahat ng mga nagtitiwala sa kanya, at hindi sa kanilang mga sarili, mula sa sumpa ng Diyos tungo sa pagpapala ng Diyos. “Tinubos tayo ni Cristo.” Ang “tayo” dito ay tumutukoy hindi sa lahat ng mga tao, kundi doon lamang sa mga taong inilipat ang kanilang tiwala sa sarili patungo kay Cristo.

Ano ang ibig sabihin ng “tinubos tayo ni Cristo”? 

Ang salitang “tubos” (“redeem,” Gk. exagoraso) ay galing sa salitang agora na tumutukoy sa isang “marketplace” kung saan ay ibinebenta ang mga “slaves” at kung sino ang makapagbabayad ng pinakamalaki ay siya ang magmamay-ari sa isang alipin (George, p. 237). Ginamit din ito sa 4:5, Christ came “to redeem those under the law.” Nasa ilalim tayo ng sumpa ng Kautusan dahil sa ating pagtitiwala sa sarili natin upang sumunod dito. Nang namatay si Cristo sa krus, tayong mga sumasampalataya sa kanya ay pinalaya sa sumpa ng Diyos at sa pagkakaalipin sa kasalanan. At anong ipinambayad? Sabi ni Pedro,

 “You were ransomed…with the precious blood of Christ” (1 Pet. 1:18-19). The “church of God” was “obtained (or purchased) with his own blood” (Acts 20:28). Sa gayon, kapag sinabing “tinubos tayo ni Cristo” ibig sabihin ay tayong mga nasa ilalim ng hatol at galit ng Diyos ay pinalaya na sa pamamagitan ipinambayad na sakripisyo ng Panginoong Jesus. Paanong ang kamatayan ni Jesus ang naging katubusan natin? Verse 13, “Christ redeemed us from the curse of the law by becoming a curse for us—for it is written, ‘Cursed is everyone who is hanged on a tree.’” Ang binanggit dito ni Pablo ay hango sa Deut. 21:22-23. 

Kung ang isang tao ay nagkasala at naparusahan na mamatay, pagkatapos na siya ay patayin ay ibibitin sa isang puno ang kanyang bangkay upang makita ng lahat na ang taong ito ay isinumpa ng Diyos, tumanggap ng hatol ng Diyos. Nang makita nang hayagan ang pagkapako ni Cristo sa krus, ipinapakita na siya, na bagamat walang kasalanan, ay tumanggap ng sumpa na nararapat para sa atin. Kaya naman maraming Judio ang hindi naniniwala kay Jesus dahil hindi nila matanggap na ang isang “isinumpa” ng Diyos ang magiging Tagapagligtas. 

Nakahandusay ang katawan ni Cristo at nakasabit sa krus upang ipakitang tinanggap na niya ang hatol ng Diyos at binayaran na ang ating mga kasalanan – kahapon, ngayon at bukas. God did it for us. Para sa atin! Nakakamangha na malamang ang Diyos ay nagkatawang tao at namatay sa krus. Ngunit mas nakamamangha na malamang ginawa niya ito para sa atin. Tayo ang dapat parusahan, ngunit tinanggap niya ang parusa ng Diyos. Tayo ang makasalanan, ngunit namatay siya na parang isang makasalanan. Tayo ang may pagkakautang sa Diyos, ngunit siya ang nagbayad ng utang na dapat na tayo ay magbayad. 

Tayo ang dapat itakwil ng Diyos, ngunit siya ang sumigaw sa krus, “My God, my God, why have you forsaken me?” Tayo ang dapat sumunod sa lahat ng utos ng Diyos upang tanggapin niya, ngunit si Jesus ang gumawa ng lahat upang mapasaatin ang biyaya ng Diyos at sinabi niyang, “It is finished!” Tayo dapat ang
magdusa nang walang hanggan sa impiyerno at tanggapin ang poot ng Diyos ngunit ang tindi ng galit ng Diyos ay tinanggap ni Cristo nang dalhin niya sa kanyang mga balikat ang lahat ng kasalanan ng milyung-milyong mga makasalanan sa buong mundo. 

Tayo ang dapat na ibitin sa puno at markahan ng “Isinumpa ng Diyos!” ngunit si Cristo mismo ang tumanggap ng kahihiyan at pasakit na dapat tayo ay tumanggap. God did it for us. Isn’t that amazing? Ano ang idinulot sa atin ng ginawang pagtubos ni Cristo? Sinabi ni Pablo ang layunin ng pagtubos ni Cristo sa atin sa verse 14 – “so that in Christ Jesus the blessing of Abraham might come to the Gentiles, so that we might receive the promised Spirit through faith.” Balik na naman tayo sa verses 6 to 9 kung saan binanggit ni Pablo ang pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham. 

Ngunit dito ay naging specific na siya. Kung tatanggapin natin ang ginawa ni Cristo sa krus at magtitiwala sa kanyang pagliligtas, tatanggapin natin ang pagpapala ng Diyos kay Abraham kahit pa tayo’y hindi mga Judio basta tayo’y sumasampalataya kay Cristo. Ano’ng 6 pagpapala ito? “So that we might receive the promised Spirit through faith.” The blessing that flows to us is the Holy Spirit that God promised that we will receive through faith. Binanggit na niya ito sa verse 2 (“Did you receive the Spirit…?”). 

Ang pagpapala ng Diyos at ang Espiritu ay makikita nating magkaugnay sa Isa. 44:3, “Ibubuhos ko sa iyong mga anak ang aking Espiritu, at ang mga liping susunod sa iyo ay pagpapalain” (MBB); at Eph.1:13-14, “Sumampalataya kayo kay Cristo, kaya’t ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo na ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. Ang Espiritu ang katibayan na makakamit natin ang mga pangako ng Diyos para sa atin, hanggang sa makamtan natin ang lubos na kaligtasan” (MBB). 

Ang Espiritu ay nasa atin na, at ibig sabihin nito ay ipinangako ng Diyos na ibibigay niya sa atin ang kanyang sarili dahil ang Espiritu ay ang Diyos mismo na nananahan sa atin. Can you think of a greater blessing than God himself residing in you? Kung tatanungin kayo kung ano ang pinakamalaking pagpapala ang tinanggap ninyo dahil sa kamatayan ni Jesus sa krus, ano ang isasagot ninyo? Bakit parang minsan ay nagrereklamo tayo dahil inaakala nating kulang pa ang ibinibigay sa atin ng Diyos at parang pinagkakaitan niya tayo samantalang ang Diyos na maylikha at nagmamay-ari ng langit at lupa ay nasa atin na? 
He is for us. He is in us.


RELYING ON THE RELIABLE

May dalawang katotohanang dapat tayong malaman mula sa itinuturo ni Pablo dito: 
(1) Lahat ng nagtitiwala sa kanilang sariling gawa upang maging katanggap-tanggap sa Diyos ay nasa ilalim
ng sumpa ng Diyos; at 
(2) Tinubos ni Cristo lahat ng mga nagtitiwala sa kanya, at hindi sa kanilang mga sarili, mula sa sumpa ng Diyos tungo sa pagpapala ng Diyos. Mamimili tayo. Kung nais nating manatili sa sumpa ng Diyos, sa sariling gawa ikaw magtiwala. Kung nais mong nasa ilalim ng pagpapala ng Diyos, kay Jesus ka lamang magtiwala. 

At kung kay Jesus ka na nagtitiwala, tiyakin mong hindi ka na babalik sa pagtitiwala sa sarili mo. Kung binigyan ka ng credit card ng tatay mo tapos sinabi sa iyo na bago ka bibili, sasabihin mo muna sa kanya kasi siya ang magbabayad. Tapos naisip mong bumili ng laptop para sa church. Mainam ‘yun di ba? Pero hindi mo sinabi sa tatay mo. Bumili ka at akala mo kaya mo namang bayaran. E wala ka namang trabaho. Hindi mo ngayon mabayaran. Hihingi ka ngayon ng tawad dahil gumawa ka ng sarili mong diskarte. Ganun din sa buhay Cristiano. 

Mabuti ang Kautusan, ngunit gagawin ito sa paraang naaayon sa pagtitiwala sa pangako ng Diyos, hindi sa sarili. Marami namang sa panahon natin ngayon ay mga relihiyoso. May mga deboto ng Black
Nazarene. Noong nakaraang Linggo ay may mga pumaradang sangkatutak na mga Sto. Nino. Inaakala ng mga taong ito na sa pagiging relihiyoso nila ay mapapalapit sila sa Diyos. Ganoon din ang iba sa atin. Nagsisimba, nagbabasa ng Bibliya, sa pag-aakalang sa pamamagitan nito ay “approve” tayo sa Diyos. Ang paggawa ng mabuti ay dapat gawin na nananangan sa Diyos at hindi sa sarili. 

Pakinggan nating mabuti ang sinasabi ni Yahweh, “Susumpain ko ang sinumang tumatalikod sa akin, at nagtitiwala sa kanyang kapwa-tao, sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay…walang mabuting mangyayari sa kanya. (Ngunit ano?) Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya” (Jer. 17:5-7). Mga kapatid, kanino kayo nagtitiwala? Sa inyong sarili o sa Diyos? Kung sa Diyos, iyan ba ang nakikita niya sa inyong mga puso ngayon?




No comments:

Post a Comment